Miyerkules, Enero 3, 2018
PANGARAP
Sa buhay ng tao di mawawala ang salitang "PANGARAP".Bakit nga ba may pangarap ang mga tao?Bakit mahalaga na bawat tao ay may pangarap sa buhay?Bakit kailangan ang salitang PANGARAP ay maging isang Pangarap nalang?well sabi nga nila nasa sa iyo nalang kung ang isang pangarap ay magiging isang pangarap nalamang o maaaring ang PANGARAP ay magiging totoo.Para sa akin ang pangarap ay isang napakadaling isipin at sabihin ngunit napakaimposible o napakahirap gawin.Maaaring ang pangarap mo ay kayang abutin pero minsan napakalayo kung iyong tatanawin.Mahalaga ang Pangarap sapagkat ito ay parang mapa kung saan doon ay lalakad upang marating ang inaasam ito din ang gabay at isang landas na magtuturo sa iyo sa tamang landas at inspirasyon mo.Ang PANGARAP ay napakalawak na pwedeng ihambing sa daigdig o kaya naman kalawakan na kung hindi mo gagawin ang lahat para maabot iyon ang PANGARAP ay manatiling isang PANGARAP nalamang.Tulad ko na maraming pangarap sa buhay ngunit kakaunti lamang ang natutupad kasi maaaring napakataas o napakaimposible ng pangarap na aking gustong matupad.Huwag agad susuko abutin ang mga Pangarap at sabay-sabay natin abutin kung ano man ang nais nating marating.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento