Martes, Enero 2, 2018
Ang Aking Pamilya
Ang aking Masayang Pamilya
Kayo ay malaking parte ng aking buhay
Salamat dahil nagsakripisyo kayo
At nagbigay lakas upang maharap ko
Ang mga pagsubok sa buhay.
Ang aking pamilya ay isang masayang grupo
Puno ng pagmamahal at pagaaruga
buo.man o hindi basta naipakita nila o naiparamdam sa atin ay dapat tayong magpasalamat.
Pamilya ko ang pinagmulan ng aking lakas
Sila ang dahilan kung bakit ako nasa tamang landas
Kaya lubos ang pasasalamat ko sakanila
Nang dahil sakanila,wala na akong mahihiling pa.
Sa inyong pagmamahal at pagaaruga
Ay manatili sa aking puso't isipan
Salamat sa pagbigay niyo ng magandang buhay
Pag-ibig ko sa inyo buo't anong wagas.
Ang aking pamilya ang aking inspirasyon
Ipinakita sa aking pamilya kung gaano kahalaga
Ang pagmamahalan sa bawat isa.Sa pamilya
Nagsisimula lahat ng mga gawaing mabuti at
Paggalang sa ibang tao.Ibinibigay nila ang ating
Mga pangangailangan.
Ang pagmamahalan ng pamilya ay
Isang mahalagang bagay kung saan
Ibinibigay natin sa bawat isa.Ang
May matatag na pamilya ay isang pundasyon
Ng lahat ng dakilang bansa.
At kailangan natin magpasalamat sa ating
Panginoon dahil siya ang nagbigay saatin
Ng masayang pamilya na walang makakapantay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento