Linggo, Enero 7, 2018

"KAIBIGAN"

NAGSIMULA SA SIMPLENG BATIAN NA NAGING KAKWENTUHAN SA SIMPLENG TAWANAN NA NAGING HALAKHAN SA SIMPLENG TULUNGAN NA NAGING DAMAYAN ISANG SIMPLENG TAONG NAGING KAIBIGAN BUNGA NG NABUONG SAMAHAN NA PUNONG PUNO NG KALIGAYAHAN SA BAWAT SANDALI NG ATING BUHAY MAY MGA TAO TAYONG NAKIKILALA IBA'T IBANG UGALI,IBA'T IABNG KATANGIAN MAY MGA NAKKASUNDO,MAYROON DING HINDI PERO NOONG UNA TAYONG NAGKAKILALA SA APAT NA SULOK NG ATING SILID ARALAN DI SINASADYANG NAGKATABI SA UPUAN AT NAGKAKWENTUHAN NA MATAGAL KAHIT NA ITO ANG UNA NATING PAGKIKITA AT ITO RIN ANG UNA NATING PAG-UUSAP BAKIT BAWAT SALITANG SABIHIN MO AY AKING PINAKIKINGGAN KAHIT NA MINSAN AY KAKORNIHAN SA BAWAT MGA ARAW NA NAGDAAN LALONG GUMAGAAN ANG AKING LOOB SA IYO SA KAKWENTUHAN AT TAWANAN ATING PINAGSALUHAN LALONG NAGKAKALAPIT ANG ATING LOOB HALOS HINDI MAPAG-HIWALAY SA ISA'T ISA LAGING MAGKASAMA SAN MAN MAGPUNTA MAGKARAMAY SA PAGSUBOK AT PROBLEMA NAKAHANDANG DUMAMAY SA ISA'T ISA LABIS AKONG NAGPAPASALAMAT SA POONG MAY KAPAL DAHIL AKLO AY BINIYAYAAN NG ISANG KAIBIGAN ISANG MABAIT,MABUTI AT ISANG TUNAY NA KAIBIGAN SALAMAT SA IYO AKING MATALIK NA KAIBIGAN.

Miyerkules, Enero 3, 2018

PANGARAP

Sa buhay ng tao di mawawala ang salitang "PANGARAP".Bakit nga ba may pangarap ang mga tao?Bakit mahalaga na bawat tao ay may pangarap sa buhay?Bakit kailangan ang salitang PANGARAP ay maging isang Pangarap nalang?well sabi nga nila nasa sa iyo nalang kung ang isang pangarap ay magiging isang pangarap nalamang o maaaring ang PANGARAP ay magiging totoo.Para sa akin ang pangarap ay isang napakadaling isipin at sabihin ngunit napakaimposible o napakahirap gawin.Maaaring ang pangarap mo ay kayang abutin pero minsan napakalayo kung iyong tatanawin.Mahalaga ang Pangarap sapagkat ito ay parang mapa kung saan doon ay lalakad upang marating ang inaasam ito din ang gabay at isang landas na magtuturo sa iyo sa tamang landas at inspirasyon mo.Ang PANGARAP ay napakalawak na pwedeng ihambing sa daigdig o kaya naman kalawakan na kung hindi mo gagawin ang lahat para maabot iyon ang PANGARAP ay manatiling isang PANGARAP nalamang.Tulad ko na maraming pangarap sa buhay ngunit kakaunti lamang ang natutupad kasi maaaring napakataas o napakaimposible ng pangarap na aking gustong matupad.Huwag agad susuko abutin ang mga Pangarap at sabay-sabay natin abutin kung ano man ang nais nating marating.

Martes, Enero 2, 2018

Ang Aking Pamilya

Ang aking Masayang Pamilya Kayo ay malaking parte ng aking buhay Salamat dahil nagsakripisyo kayo At nagbigay lakas upang maharap ko Ang mga pagsubok sa buhay. Ang aking pamilya ay isang masayang grupo Puno ng pagmamahal at pagaaruga buo.man o hindi basta naipakita nila o naiparamdam sa atin ay dapat tayong magpasalamat. Pamilya ko ang pinagmulan ng aking lakas Sila ang dahilan kung bakit ako nasa tamang landas Kaya lubos ang pasasalamat ko sakanila Nang dahil sakanila,wala na akong mahihiling pa. Sa inyong pagmamahal at pagaaruga Ay manatili sa aking puso't isipan Salamat sa pagbigay niyo ng magandang buhay Pag-ibig ko sa inyo buo't anong wagas. Ang aking pamilya ang aking inspirasyon Ipinakita sa aking pamilya kung gaano kahalaga Ang pagmamahalan sa bawat isa.Sa pamilya Nagsisimula lahat ng mga gawaing mabuti at Paggalang sa ibang tao.Ibinibigay nila ang ating Mga pangangailangan. Ang pagmamahalan ng pamilya ay Isang mahalagang bagay kung saan Ibinibigay natin sa bawat isa.Ang May matatag na pamilya ay isang pundasyon Ng lahat ng dakilang bansa. At kailangan natin magpasalamat sa ating Panginoon dahil siya ang nagbigay saatin Ng masayang pamilya na walang makakapantay.